HINIHINGAN ng $3.3 milyon (P16 bilyon) danyos si Sen. Manny Pacquiao ng Paradigm Sports dahil sa umano’y breach of contract. Hinihiling din ng kumpanya na itigil ang nakatakdang laban ng boxing champ kontra kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 sa Las Vegas, USA.
Ayon kay Paradigm Sports CEO Auddie Attar, nasa gitna ito ng pakikipagnegosasyon sa laban sa pagitan nina Pacquiao at Mikey Garcia nang kumbinsihin ang senador na labanan na lang si Spence.
“In addition to the millions of dollars in straightforward economic loss that Paradigm stands to suffer, the damage to its reputation resulting from Pacquiao’s breaches is incalculable,” ayon sa abogado ng Paradigm na si Judd Burstein.
“Just when Paradigm was at the cusp of establishing itself as a major player in professional boxing, Pacquiao has left its reputation as a boxing representative in tatters,” dagdag nito.
Noong 2020 ay nagkaroon umano ng usapan si Pacquiao at ang Paradigm para sa apat na laban ng boxing champ kung saan dalawa rito ay gagawin sa Saudi Arabia.
Plano rin ng Paradigm na pagsabungin sa ring sina Pacquiao at Conor McGregor, na mayroon ding kontrata sa kanila.