Loonie sa PNP: Imbestigahan nag-frame up sa amin

UMAPELA ang rapper na si Loonie kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na papanagutin sa batas ang mga nag-frame up sa kanya.


Ani Loonie (Marlon Peroramas sa tunay na buhay), nais niyang malinis ang kanyang pangalan na nadungisan nang maaresto siya sa buy-bust operation sa Makati noong 2019.


“Kailangan po naming i-clear ‘yung pangalan namin. We trust you and fully support you in purging the PNP of scalawags. Hindi po ako kaaway at kaya po namin patunayan na isang malaking frame-up po ‘tong nangyari sa amin,” ani Loonie kay ELEAZAR.


Kamakailan ay nadismis dahil sa kawalan ng testigo ang kaso ni Loonie kaugnay sa pagbebenta ng high-grade marijuana. –A. Mae Rodriguez