NAGPAHATID ng kanyang pagbati si Pangulong Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz nang dumating ito sa bansa Miyerkules.
Tinawagan ni Duterte si Diaz habang siya at ang kanyang team ay naka-quarantine sa isang hotel sa Pasay City.
Sa kanyang video call kay Diaz, sinai ni Duterte na ang pagakapanalo ng weightlifter ay panalo ng bansa.
“Your achievement is the achievement of the Philippine nation. So we are extremely proud, we cannot express even in words. We should really be shouting ‘Alleluia!’”
“Thank you for patience. I hope the years of toil, the years of disappointment, the years that didn’t go well in the past, just forget them,” dagdag pa ng pangulo habang nasa gitna nang kanyang pagpupulong sa kanyang Gabinete.
Matatandaan na noong 2019, kabilang si Diaz sa inakusahan ng Malacanang na kabilang sa mga taong nais magpatalsik sa Duterte adminstration.
Nangako rin si Duterte na mag-aambag siya ng karagdagang P3 milyon sa P10 milyon na ibibigay ng gobyerno sa kanya bilang reward. Bukod dito, isang fully furnished house and lot din ang ibibigay sa kanya ng pamahalaan sa Zamboanga City kung saan naninirahan ang medalist.
“You already have the gold. Gold is gold. And it would be good for you to let bygones be bygones and dwell solely on your victory together with your family and, of course, with the nation,” dagdag ni Duterte.