NABIGONG gumuhit ng kasaysayan ang Pinay skateboarder na si Margielyn Didal sa kauna-unahang street skateboarding event sa Tokyo Olympics.
Nagtapos sa ika-pitong pwesto si Didal sa finals ng nasabing palaro Lunes ng umaga sa Ariake Park, matapos makapagtala ng kabuuang 7.52 score.
Ang 13-anyos na Hapones naman na si Nishiya Momiji ang tinanghal na champion matapos maka-iskor ng 15.26 puntos. Pumangalawa si Rayssa Leal ng Brazil at isa pang Hapones na si Nakayama Funa ang pumangatlo.
Kabilang si Didal sa walong nakapasok sa finals matapos ang mahigpit na labanan sa preliminaries.