AKALAIN mo yun, naibenta sa $10.1 million ang isang jersey ni basketball superstar na si Michael Jordan na kanyang isinuot sa isa sa pinaka famous season niya sa kanyang NBA career, sa isinagawang auction nitong Huwebes sa New York.
Ang nasabing halaga ng jersey ay doble ng presyo na unang estima, at siya ngayong tinanghal na highest auction record para sa isang game-worn sports memorabilia, ayon sa nag-organisa ng auction nas Sotheby’s.
Suot ni Jordan ang nasabing jersey nang maglaro ang kanyang koponan na Chicago Bulls sa Game 1 ng 1998 NBA Finals, ang siyang naging sentor ng pamosong “The Last Dance” documentary series ng binuo ng ESPN at Netflix noong 2020.
Sa nasabing laro, umiskor si Jordan ng 33 points sa loob ng 45 minuto. Natalo ang Bulls sa laro kontra Utah Jazz. Gayunman, ang Bulls pa rin ang tinanghal na champion sa nasabing season.