Jersey ni Jordan naibenta ng P66M

NAIBENTA sa halagang $1.38 milyon (P66 milyon) ang jersey na ginamit ni basketball legend Michael Jordan noong nag-aaral pa siya sa University of North Carolina.


“We’re extremely proud to have shattered records for a Jordan game-worn jersey,” ani Chris Ivy ng Heritage Auction.


Ayon sa ulat, isinuot ni Jordan ang nasabing jersey noong 1982-1983 season ng National Collegiate Athletic Association.


Ito rin ang suot niya nang mailagay siya sa cover ng Sporting News noong Marso 1983 kung kailan siya idineklarang NCAA Player of the Year.


Bago ito, ang pinakamahal na Jordan jersey ay naibenta sa halagang $480,000.