NATUPAD ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang pangarap na madalaw ang kapilya ng Our Lady of the Miraculous Medal sa Rue du Bac, Paris.
Nag-alay si Hidilyn ng mga bulaklak at marble memorial sa kapilya bilang pasasalamat sa tagumpay niya sa Tokyo Olympics noong 2020.
“Hindi ko makakalimutan ang Tokyo Olympics awarding kung saan sinuot ko ang Miraculous Medal kasama ang pinakaunang Olympic Gold ng Pilipinas,” aniya sa Instagram post.
Ani Hidilyn, sa nasabing lugar nagpakita si Mama Mary kay St. Catherine Laboure na inatasan niyang ipalaganap ang Medalya Milagrosa.
“I would always remind athletes na ang success natin ay galing sa Diyos, and we must never forget to give thanks to Him for all the blessings and graces na natatanggap natin,” dagdag ng Pinay weightlifter.