BIGO si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na muling makapaglaro sa darating na Paris Olympics.
Ito ay matapos siyang mabigo sa limang magkakasunod na Olympic stint na siya dapat daan para mag-qualify sa darating na palaro.
Sakabila nito, “you’re still the queen,” ang naging pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino.
“You are still our champion. You deserve all the honor and respect for giving our country its first gold medal.”
Nakatapos ang 33-anyos na si Diaz, 33, sa ika-11 pwesto sa ginawang women’s 59 kg category ng International Weightlifting Federation (IWF) World Cup, ang final Olympic qualifying event, sa Phuket, Thailand, nitong Miyerkules.
Samantala, napunta ang Olympic slot para 59-kg weightlifting category sa 25-anyos na si Elreen Ando, na nagtapos sa ika-7 pweto sa nakalipas na palaro.
Tanging isa lang representative ang maaaring maglaro para sa kada bansa.
Noong 2021 Tokyo Olympics nang masungkit ni Diaz ang Olympic gold. Bago ito, nakuha rin niya ang silver medal noong 2016 Rio de Janeiro Olympics.