Darating ngayon araw sa bansa ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC), sakay ng Philippine Airlines si Dia kasama ang kanyang team.
Kasama rin sa eroplano ang naging pambato ng bansa sa street skateboarding event na si Margielyn Didal na umani naman ng paghanga mula sa maraming bansa dahil sa napaka-positibong attitude na ipinakita niya sa kabila ng kanyang pagkabigo.
Sinabi ng POC na bagamat inaasahang magiging mainit ang pagtanggap kay Diaz hindi magkakaroon ng karaniwang grand home welcoming rites dahil sa ipinatutupad na health and safety protocols.
Sasailalim sa pitong araw na quarantine sina Diaz at ang kanyang team na binubuo nina Chinese Coach Gao Kaiwen at strength and conditioning Coach Julius Naranjo.
Ang mga atleta, coach, officials maging mga miyembro ng media ay kailangang umalis ng Japan sa loob ng 48 oras matapos ang kanilang events o tungkulin na iniutos ng Tokyo Olympics playbook.