PAMILYA ang greatest gift na natanggap ni gymnast Eldrew Yulo sa kanyang buhay.
Sa interview ni Julius Babao, sinabi ni Eldrew, nakababatang kapatid ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, ang kanyang pamilya ang nasa likod ng mga tagumpay niya sa local at international competitions.
“Sobrang halaga po ng family ko sa akin. Kasi nandiyan po sila kahit nasa highs, nasa lows po ako, mga ganoon. Sinusuportahan nila ako through emotion, financially, kahit ano pa ‘yan sinusuportahan nila ako,” aniya.
“Sinusuportahan nila ako, gusto nila kung ano yung mas nakakabuti sa’kin,” dagdag ng gymnast.
Sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships 2024 na ginanap sa Thailand nitong Nobyembre 1-3 ay nakasungkit si Eldrew ng apat na gold medals at dalawang silver.
Umiwas naman ang bagets na pag-usapan ang isyu sa pagitan ng kanyang kuya at kanilang inang si Angelica.
“Ang gusto kong magkaroon ng pangalan sa gymnastics, or gusto ko na tumatak sa mga bata or mga isipan na may pangalan ako mundo ng gymnastics, na kilalang-kilala ako kahit retired na ako,” ang tanging nasambit niya.