MATAPOS ang emotional win ng Gilas Pilipinas laban sa China nitong Sabado ng gabi, sinabi ng natioanal team coach na si Chot Reyes na maaring ang nasabing laban na ang kanyang huling pag-coach sa koponan.
“I think it is time for me to step aside,” ayon kay Reyes sa tinamong kabi-kabilang batikos sa hindi impressive ng kampanya ng Gilas sa FIBA World Cup na ang Pilipinas ang isa sa naging host.
Bago ang panalo nito sa China, sunod-sunod na talo ang naiuwi ng Gilas laban sa Dominican Republic, Angol, Italy at ang bagong koponan na South Sudan dahilan para tuluyang hindi makapasok sa 2024 Paris Olympics.
“Through all the preparation time I have always said judge us on our performance in the World Cup… obviously we did not perform and as I said in the last game I take full accountability,” ayon kay Reyes sa panayam matapos ang laban sa China.
Samu’t saring masasakit na salita ang tinamo ni Reyes habang siya ang coach ng Gilas, na ayon sa kanya ay talagang nakaapekto sa kanya at kanyang pamilya.
“After a while, it was just too heavy. It has been too painful, too heavy,” anya.
“Just to be very honest, bastos naman talaga ‘yung ibang pinagsasabi. I don’t deserve it, my family doesn’t deserve it.”