Carlos Yulo nagpakitang-gilas; nangolekta ng 4 ginto sa Asian Championships

HINDI nagpakabog ang pambato ng Pilipinas na si Carlos Yulo sa isinagawang Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Wagi si Yulo ng apat na ginto sa showdown sa vault at parallel bars nitong Linggo.

Naniniwala ang marami na magandang senyales ang panalo ni Yulo na hindi ito uuwing walang medalya sa isasagawang Summer Olympics sa Agosto sa Paris.

Nanguna rin si Yulo sa individual all-around at floor exercise, at siyang tinukoy na best performing male athlete sa Asian championships sa tatlong magkakasunod na taon.