MASAYANG ibinalita sa publiko ni TV host-philantropist Willie Revillame na negatibo siya sa cancer.
Nitong Lunes ay lumabas ang resulta ng mga pagsusuri sa polyps na natagpuan sa colon at stomach ni Willie.
Ani Willie, tumawag ang kanyang doktor at sinabi na hindi cancerous ang mga polyps.
“Kailangan nagpapa-executive check up tayo yearly…
“Katulad nung akin, nagkaroon ho ako ng tinatawag nating polyps. Nakita sa colon ko na may polyps ako, madalas merong ganoon, natatanggal naman every year.
“E, two years ho tayong hindi nagpa-executive check up because of COVID. So, dalawang taon akong hindi na-check, and then merong nakita sa stomach ko.
“Pero awa ho ng Diyos, kanina, tinawagan ako ng 8:30 a.m. ng aking doktor, Dr. Juliet Cervantes ng St. Luke’s Global.
“Sabi niya, ‘O, Willie, kumusta ka? Sobra kang magdasal. Good news, negative ka sa cancer!’
“Thank you Lord! Thank you! Maraming-maraming salamat ho sa lahat ng mga nagdasal sa akin.
“Medyo hindi ako nakakatulog ng ilang gabi. Sabi ko nga, I’m ready. If worse comes to worst, ooperahan ako, puputulin yung bituka ko, ready naman ako,” aniya.