PINAGBAWALAN ng Hollywood’s film academy si Will Smith na dumalo sa Oscars sa susunod na 10 taon matapos ang kontrobersyang inilikha ng kanyang pananampal sa kapwa aktor na si Chris Rock sa entablado sa Academy Awards.
Nagsagawa ng aksyon ang mga gobernador ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences pagkatapos ng maagang pagbibitiw ni Smith mula sa grupo.
Si Smith ang tinanghal na Best Actos sa 94th Oscars nitong nakaraang linggo.
“The 94th Oscars were meant to be a celebration of the many individuals in our community who did incredible work this past year,” ayon kay academy President David Rubin at Chief Executive Dawn Hudson.
“However, those moments were overshadowed by the unacceptable and harmful behavior we saw Mr. Smith exhibit on stage.”
Nirerespeto naman ni Will ang desisyon ng Academy.
“I accept and respect the Academy’s decision,” pahayag ni Will.
Nauna nang naglabas ng apology ang aktor kay Chris, mga producer ng Oscars, mga nominado at manonood dahil sa kanyang inasal.