What’s the tea? Kathryn hindi na pina-follow si Andrea

In-unfollow ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes sa Instagram sa gitna ng mga balitang nagkikita nang palihim ang boyfriend niyang si Daniel Padilla at ang huli.

Sa pagsisiyasat ng mga fans, hindi na mahagilap ang pangalan ni Andrea sa listahan ng mga followers ni Kathryn sa Instagram.

Sa kabilang banda, pina-follow pa rin ni Andrea ang “A Very Good Girl” actress.

Ayon naman sa mga marites, ito na ang ikalawang beses na nag-unfollow si Kathryn kay Andrea makaraan din umano silang magkaroon ng “feud” ilang taon na ang nakararaan.

Sari-sari naman ang reaksyon ng netizens sa nasabing IG unfollow.

“And the plot thickens.”

“Makabili na nga ng popcorn. Papunta na tayo sa exciting part.”

“End of kathniel era na ba?”

“Grabe naman tong mga fans, may gps ata sila kung sino i na unfollow ng idolo nila haha. Another week of chismisan na naman ito para sa mga vloggers. Thank you Kathryn.”

“So totoo ang chismis?”