VP LENI AYAW NANG UMIBIG: ‘WALANG MAKAKAPALIT KAY JESSE’

ISINIWALAT ni Vice President Leni Robredo na ayaw na niyang muling umibig pa.


Sa vlog ng actress/TV host na si Alex Gonzaga, kung saan ginawa siyang “mama for a day” nito, naitanong kay Leni kung may balak pa siyang magmahal uli.


“Mama, nami-miss n’yo si Papa? Charing…Ayaw n’yo nang umibig? tanong ni Alex.


Sagot ni Leni, nami-miss niya si Jesse at hindi na siya makakahanap ng kagaya nito.


“Wala. Sobrang swerte ko sa asawa ko eh. Hindi na ako makakahanap ng ganoon,” dagdag niya.


“Ay ayoko na. Walang makakapalit sa asawa ko,” ani Leni matapos muling tanungin ni Alex kung gusto niya na maghanap ng bagong “papa”.


Kung nabubuhay lamang si Jesse ay 25 taon na sana ang kanilang pagsasama, sabi ni VP.


Namatay sa plane crash noong August 18, 2012 si Jesse, na noon ay kalihim ng Department of Interior and Local Government.