NAG-TRENDING ang hashtag #GetWellSoonTaehyung matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang BTS member na si V.
Itoý matapos kumpirmahin ng Big Hit Music na nagpositibo sa COVID-19 si V, na Kim Tae-hyung sa totoong buhay.
Umabot ng 604K tweets ngayong Miyerkules ng umaga ang hashtag na #GetWellSoonTaehyung.
Idinagdag ng Big Hit na nakaranas si V ng sore throat at bahagyang lagnat.
Nagnegatibo naman sa COVID-19 ang iba pang miyembro ng BTS.
“None of the BTS members other than V are presenting any symptoms, and everyone received negative results from the preemptive self-tests,” ayon sa agency ng BTS.
“The company places the artists’ health as our top priority and we will do everything we can to aid V in his speedy recovery. We will also diligently cooperate with the requests and guidelines of the health care authorities.”
Nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang BTS member na si Jimin. Kalalabas lang din niya sa ospital matapos sumailalim sa surgery dahil sa acute appendicitis.