KINILALA na ng Miss Universe Philippines ang top 30 na mga kandidata nito na lalahok sa in-person coronation night.
Ipinakilala ng pageant ang final 30 na mga contestant sa pamamagitan ng video streaming na YouTube ngayong Miyerkules.
Ang pagpili sa top 30 ay ibinase sa mga performance ng mga kandidato sa mga isinagawang challenges nitong mga nakaraang linggo.
Kabilang sa top 30 ang audience favorites na sina Maureen Wroblewitz, Kisses Delavin at Steffi Rose Aberasturi na una nang humakot ng mga fan votes.
Pito sa nakapasok sa top 30 ay mula sa Metro Manila.
Narito ang buong listhan ng top 30 finalist:
Grace Charmaine Banua Vendiola, ng Negros Oriental
Vincy Labadan Vacalares, ng Cagayan de Oro City
Noelyn Rose Mabuhay Campos, ng Antique
Rousanne Marie Bernos, ng San Juan City
Maria Corazon Abalos, ng Mandaluyong City
Janela Joy Cuaton, ng Albay
Kheshapornam Ramachandran, ng Iloilo City
Maria Ingrid Teresita P. Santamaria, ng Parañaque City
Izabella Jasmine A. Umali, ng Maynila
Maureen Christa Wroblewitz, ng Pangasinan
Princess Kristha Singh, ng Pasig City
Jedidah Hefervez Korinihona, ng Davao del Sur
Jan Louis Abejero, ng Isabela
Leren Mae M. Bautista, ng Laguna
Jane Nicole M. Miñano, ng Romblon
Krizzaleen Mae B. Valencia, ng Davao Occidental
Michelle Angela Navaro Okol, ng Siargao Island
Megan Julia Roa Digal, ng Bukidnon
Beatrice Luigi Gomez, ng Cebu City
Kristen Danielle Delavin, ng Masbate
Victoria Velasquez Vincent, ng Cavite
Chella Grace Falconer, ng Misamis Oriental
Joanna Marie Rabe, ng Zambales
Katrina Dimaranan, ng Taguig City
Christelle Abello, ng Aklan
Mirjan S. Hipolito, ng Angeles City
Ybonne Ortega, ng Davao City
Isabelle De Los Santos, ng Makati
Simone Nadine Bornilla, ng Marinduque
Steffi Rose Aberasturi, ng Cebu Province
Nagsimula ang patimpalak sa 100 kandidata. Gagawin ang coronation night sa Setyembre 25, 2021.