INAMIN ng aktor na si Tom Rodriguez na sumagi sa isip niya ang magkitil noong nasa US siya para takasan ang mga problemang hinaharap sa Pilipinas.
Sa panayam ni Boy Abunda para sa “Fast Talk,” sinabi ni Tom na habang down na down siya ay iyon na lamang ang nakita niyang solusyon.
“There were times na it was really dark that I thought that I was gonna do something to myself that’s irreversible,” aniya.
Klinaro ni Boy kung pagkikitil ang ibig sabihin ni Tom.
“I was there,” pagdidiin niya. Gayunman, naisang-tabi niya iyon dahil naisip niya ang kanyang mga pamangkin.
“And then a moment flashed in my mind–what would my nephews think when they go through hardship, go through hard time? ‘O Tito Tom was able to do this, I can do it, too’,” pahayag niya.
“I owe them more than that,” dagdag ng aktor.
Ngayon, isa nang matibay n Tom Rodriguez ang nasa harap ng publiko, pagdidiin pa ni Tom.
“I owe my younger self that, too. That you can go through the hardest–unos, bagyo, kahit ano dumaan sa buhay mo as long as you find that integrity within your self again, you build that trust within your self, that love for your self and those who mattered to you, you can get through it. Kayang-kaya mo pa rin. And I think (I) would be proud of me,” saad niya.