Pinay sa US sinaksak ng naka-wheelchair

ISA ang Pinay na si Bel Molina sa apat na Asyano na nasugatan sa pananaksak ng lalaki na naka-wheelchair sa New York nitong weekend.

Nagtamo ng sugat sa braso si Molina, 46, tubong-Leyte.

Nasa maayos na siyang kondisyon makaraang magamot sa ospital. S

aksak sa mukha, katawan at likod ang tinamo ng tatlong iba pang biktima. Agad namang nasakote ang suspek na si Kareem Philips, 38 at ngayon ay nasa kostudiya na ng New York Police Department.

Nahaharap siya sa mga kasong attempted murder, assault, at weapons possession.

Ayon kay Molina, nagdya-jogging siya pauwi ng bahay mula sa subway station sa 54th Street nang madaanan niya ang suspek na nasa wheelchair. Kumaripas siya ng takbo nang maispatan na may patalim ang suspek. Naabutan naman siya ni Philips kaya nasugatan siya nito. Inaalam pa ng pulisya kung hate crime ang kaso.