NA-BASH nang husto ang Kapuso actor na si Dennia Trillo ukol sa tanong nito sa isang follower niya sa TikTok kung mayroon pa bang ABS-CBN.
Pero lumabas, ayon sa kampo ni Dennis, na na-hack ang nasabing account ng aktor at hindi umano ito ang nasa likod ng kontrobersyal na komento.
Sa statement, sinabi ng Aguilar Entertainment, ang management company ni Dennis, na marespetong tao ang aktor.
“We would like inform the public that Dennis Trillo’s Tiktok account has been hacked around noontime today, July 1, 2024,” ayon sa Facebook post ng management firm.
“There were some comments made using his name and we assure everyone that it was not his doing. It is very unlikely of Dennis to make such remarks and he is a person who has nothing but kindness and respect in his heart,” dagdag nito.
Ayon pa rito, iniimbestigahan na ang responsable sa hacking. Niliwanag din ng isa sa managers ni Dennis na imposibleng makapag-post ang aktor nitong Lunes dahil nasa taping ito.
“We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA. We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident,” ani Jan Enriquez sa X/Twitter.
Burado na ang comment umano ni Dennis sa TikTok pero na-screenshot ito ng mga netizens at ini-repost na sa iba’t ibang social media platforms. Sa latest TikTok post ni Dennis ay nagtanong ang isang follower kung totoo bang lilipat ang asawa ng aktor na si Jennylyn Mercardo sa ABS-CBN.
Sagot umano ni Dennis: “May ABS pa ba?