PUMANAW na ang veteran actress at ang Queen of Philippine movies na si Susan Roces Biyernes ng gabi. Siya ay 80-anyos.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Senador Grace Poe ang pagpanaw ng kanyang ina.
“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces,” sabi ni Poe sa kanyang post sa Instagram.
“She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully,” dagdag pa nito.
“Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” ayon pa sa kalatas.
Ikinagulat at ikinalungkot naman ng showbiz industry ang pagpanaw ng movie icon.
Sunod-sunod ang pag-post ng pakikiramay at pakikidalamhati ng mga artistang nakasama ni Roces sa mga pelikula at drama, at sila na humahanga sa kanya.
Nakatakda sanang mag-celebrate ng kanyang ika-70 taon sa entertainment industry ang aktres at 81st birthday sa July 28.
Noong 2004 nabyuda si Roces matapos pumanaw ang mister at kilala sa tawag na King of Philippine movies na si Fernando Poe.
Noong 1952 nagsimula si Roces sa showbiz bilang child actress. Una siyang gumanap sa pelikulang “Mga Bituin ng Kinabukasan”. Sinundan ito ng kanyang launching movie na “Boksingera” mula sa Sampaguita Pictures.