ISINIWALAT ni Megastar Sharon Cuneta na naka-life support ang kaibigan niyang si Fanny Serrano matapos ma-stroke noong isang linggo.
Sa Instagram, sinabi ni Sharon na nahihirapan siyang makita ang kondisyon ng makeup artist at fashion designer na nakikipaglaban kay Kamatayan.
“Hindi ko na kaya. Tita Fanny is now on life support, meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own. I do not know what to do with myself,” caption ni Sharon.
Nanghihinayang din ang aktres na hindi mabisita ang kaibigan sa ospital.
“Bakit naman ni hindi tayo puwede magkita ngayon pa? Puwede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo kung gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay,” dagdag niya.
Sey pa ni Sharon: “PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord.”