SINO BA’NG HINDI?: Bea Alonzo ‘tanga’ sa pag-ibig



MISMO ang ina ni Bea Alonzo ang nagsabi na “tanga” ang anak pagdating sa lovelife.

Sa bagong vlog na inilabas ni Bea kung saan naglaro silang mag-iina ng “Who’s who?” kasama ang kapatid na si James, umikot sa usapin ng pag-ibig ang video.

“Sino mas tanga sa pag-ibig? Jusko, si Bea Alonzo. ‘Di ba antanga? giit ni Mary Ann Ranollo, ina ni Bea at sabay lublob sa ice-cold water ang mukha ni Bea bilang parte ng game.

Chika rin ng ina, malihim si Bea pagdating sa mga poor decisions na ginagawa nito.

Ni-reveal din niya na laging late at mabagal kumilos ang aktres at minsan naiiwan pa wng flight dahil sa sobrang kabagalan.

Kamakailan ay nalilink si Bea sa aktor na si Dominic Roque ilang taon matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Gerald Anderson na ngayon ay BF naman ni Julia Barretto.