Singer na kumuwestyon sa Maginhawa community pantry suportado ng DDS

MAY tanong ang singer na si Richard Point: Ang Maginhawa community pantry ba talaga ang unang nagpasimula ng ganitong klase ng food drive para sa mga Pinoy na naapektuhan ng Covid-19?


Kamakailan ay pinost ni Poon ang mga larawan na kuha noong isang taon ukol sa mga pagbabayanihan ng mga Pilipino at pagtulong ng mga sundalo sa kasagsagan ng pandemya.


Nilagyan niya ito ng caption na “DID THE BAYANIHAN SPIRIT OF COMMUNITY PANTRY ONLY STARTED RECENTLY? IS MAGINHAWA THE TRUE ORIGIN?”


Dagdag pa ni Poon: “Again, let me say the bayanihan spirit is alive and well sa Filipino communities even a year ago. But there can be SOME DIFFERENCES,” dagdag ni Poon saka niya ibinahagi ang post ng isang MJQ Reyes sa Facebook.


“This was posted 13 MONTHS AGO. Look, as EARLY as March 2020 LAST YEAR, buhay na buhay na ang bayanihan at marami na tayong mabubuting kababayan na namamahagi ng libreng gulay, taho, byahe, at iba pa.


“Ang 6 na KAIBAHAN nito:
“1. Walang mainstream MEDIA COVERAGE.
“2. Wala silang IBANG AGENDA maliban sa pagtulong lamang sa kapwa.
“3. Hindi sila NAMUMUDMOD ng mga PAMPLETA at naghihikayat ng pag alsa.
“4. Walang recruitment at walang PINAPIPIRMANG PETISYON.habang nakapila.
“5. Walang fundraising in $$$ (dollars) or in million pesossess.
“6. Hindi sila affiliated sa mga subersibong grupo.”


Dinumog naman ng mga pro-government ang post na ito ni Poon at sinabing sang-ayon sila sa obserbasyon ng singer.


“Nice idol Richard Poon malayo ka sa ibang artist na puro puna wala naman tulong.”


“Richard Poon dkalang magaling kumanta, bukas pa ang isip mo sa lahat ng nangyayari salamat idol ,iba ka sa mga kasama mo sa music industry at sa mga artesta..lalo kitang hinahangaan. Salute.”


“Even before the pandemic madami namang ganito na. Syempre isensationalize ng media para sabihin kulang na kulang ayuda sa gitna ng pandemya.”