Lalaki pumitas ng santol para sa naglilihing GF, nabalian ng buto

HINDI sana naospital ang kanyang live-in partner kung milk tea o mangga ang pinaglilihihan ng isang buntis sa Calasiao, Pangasinan.


Kahapon ay isinugod sa pagamutan dahil sa bali-baling buto si Jun Rey Lagro, 22, ng Brgy. Macabito nang mahulog mula sa puno ng santol na inakyat niya upang kumuha ng bunga para sa naglilihi niyang girlfriend na si Sharmaine Malindog.


Maliban sa bali, nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan si Lagro. Nakatakda itong sumailalim sa mga operasyon.


Ayon sa ulat, pababa na ng puno ang lalaki nang mabali ang tinutungtungan niyang sanga kaya bumagsak siya sa lupa na una ang braso.


Bago iyon ay pinakiusapan siya ni Malindog na kumuha na santol dahil takam na takam umano ito sa maasim na santol.