ILANG buwan nang tinatalo sa ratings game ng noontime show na “Lunch Out Loud” ng TV5 ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN.
Base sa Nielsen Arianna Phintam Individuals survey mula March 14-23, nakakuha ang “LOL” ng mahigit 816,000 Average Minute Rating (AMR) laban sa 559,000 AMR ng “It’s Showtime”.
Ang “LOL” na mapapanood sa free TV ay ni-launch noong October at pinangungunahan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, KC Montero, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, Jeffrey Tam at Macoy Dubs.