INILIPAT sa public service ang SHINee member na si Taemin mula sa pagsisilbi niya sa military dahil sa dinaranas na depresyon at anxiety.
Sa inilabas na statement ng SM Entertainment nitong Biyernes, Enero 14, sinabi nito na dumaranas ang K-pop singer ng sintomas ng depresyon at anxiety bago pa ito pumasok sa military nitong Mayo.
Patuloy naman umanong tumatanggap ng treatment at therapy ang singer habang tinatapos nito ang kanyang military enlistment.
Gayunman, sinabi ng kanyang managament na patuloy umano ang paglala ng kanyang kaso kaya nagpasyahan na ilipat siya sa public service.
“However, because his symptoms recently worsened, the military determined that it had become impossible for him to continue his military life and treatment at the same time, and he was accordingly transferred to supplementary service. Therefore, Taemin plans to fulfill his military duty as a public service worker,” ayon sa SM Entertainment.
“We apologize for giving you cause for concern through this sudden news, and we will continue to focus on Taemin’s treatment in the future and do our utmost to ensure that he can find stability,” dagdag pa nito.
Nagsimula si Taemin ng kanyang military service noong Mayo 3. Siya ang huling member ng grupo na na-enlist sa Korean military, isang requirement sa lahat ng mga able-bodied na kalalakihan na may edad 18 hanggang 28 na dapat sundin bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa bayan.