Sharon Cuneta hindi na babalik ng PH?

KUNG hindi lang niya iniintindi ang kanyang pamilya, mas nanaisin ni Sharon Cuneta na manirahan na lang habambuhay sa Los Angeles, California.


Sa Instagram post, sinabi ni Sharon na nage-enjoy siya sa Los Angeles dahil “being here makes it seem like COVID is a lot farther away than it ever was.”


Nagustuhan din umano ni Megastar ang panahon sa L.A. at kahit hindi pa rin siya makalabas masyado dahil sa pandemya, pakiramdam niya ay “almost feels like normal again.”


“I love being ‘home’ here,” aniya. “I could live here forever.’


Ayon kay Sharon, hindi iiwan ng asawa niyang si Sen. Francis Pangilinan ang Pilipinas kahit ano ang mangyari, pero madali lang ito para sa kanya.


Maging ang kanyang mga anak na sina Frankie at Miel na kapwa mag-aaral sa New York ay tiyak ding babalik at babalik ng Pilipinas. “These two daughters of mine are just as nationalistic as their father,” aniya.


Samantala, ang bunso niyang si Miguel ay gusto namang manirahan sa Los Angeles kasama ni Sharon.


Dahil sa iba-iba ang gustong gawin ng kanyang pamilya, sinabi ni Sharon na imposibleng magkatotoo ang kanyang pangarap.