Shaira Diaz isinugod uli sa ospital: ‘Prayers needed’

HUMINGI ng dasal mula sa publiko ang aktres na si Shaira Diaz matapos muling maospital.

Sa Facebook, ibinahagi ni Shaira ang larawan niya na nasa ospital na nilakipan niya ng caption na, “Here we are again…Payers needed. Thank you!”

Hindi naman sinabi ng actress-host ang dahilan ng kanyang muling pagkakaospital.

Ilang linggo pa lang ang nakararaan nang sumailalim si Shaira sa operasyon sa appendix.

“I underwent a laparoscopic appendectomy. Ang normal appendix daw ay kasing nipis at liit ng eyelid, ang nakuha sakin ay triple o higit pa ng laki niya. Mabuti nalang talaga at hindi pumutok. Grabe yung takot, hirap at sakit na dinanas ko pero Salamat sa Diyos at nakaraos na ako..Salamat din po at ginabayan Ninyo ang buong medical team ko po during the procedure.. salamat po sa pagaalaga niyo sakin doctors and nurses of Perpetual Help Medical Center. Thank you Baba, Daddy and Mama,” kuwento niya.

Payo ng aktres sa publiko: “Always listen to your body at magpatingin sa doctor kung mayroong nararamdaman na kakaiba sa katawan, at wag na wag itong babalewalain.”