INAMIN ng sexy star na si AJ Raval na nililigawan siya ni Aljur Abrenica.
“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita,” ani AJ sa interview ng PEP.
“Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,” aniya.
Chika pa ng anak ng dating action star na si Jeric Raval, si Aljur ang tinutukoy niyang manliligaw na “boyfriend material.”
Pero, aniya, hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon dahil kahihiwalay lamang nila ng boyfriend niyang si Axel Torres.
“Yes, siya (Aljur). Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other,” dagdag ng dalaga.
“Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know (each other pa lang),” sey ni AJ. –A. Mae Rodriguez