Lacson, Sotto sabay nag-file ng COC

SABAY na nag-file ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mag-tandem na sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III, para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ngayong Miyerkules.

Dumating ang mag-tandem alas-11 ng umaga sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City kung saan isinasagawa ang COC filing para sa national position.

Nauna nang nagdeklara ng kanilang kandidatura sina Lacson at Sotto noong Setyembre 8.

Si Lacson ang chairman ng Partido Reporma habang si Sotto naman ang chair ng Nationalist People’s Coalition.