TUWANG-TUWA ang Pinoy pop boy group na SB19 matapos malaman na meron na silang fans abroad.
Kwento ng isang miyembro ng grupo, thallus sila dahil matagal na nilang pangarap na ma-appreciate ang kanilang mga ginagawang kanta.
“Siyempre hindi po namin maiiwasan na matuwa. Kasi dati parang pangarap namin na mayroong mga taong makaka-appreciate sa kanta namin at makaka-appreciate sa craft na nilalabas namin. Sobrang nakaka-touch po na kahit ibang lahi na pinipilit nilang intindihin ‘yung salita natin,” pahayag ni Stell.
“Pinipilit nilang intindihin ‘yung kultura ng Pilipinas,” dagdag pa ni Stell.
Matatandaan ang SB19 ang unang Pinoy boy band na naging nominado sa katatapos lang na 2021 Billboard Music Awards bilang Top Social Artist of the Year.
Ayon naman kay Ken, dahil sa recognition na natanggap kaya’t nagkaroon sila ng international fans.
“Sa ngayon po ang malaking pagkakaiba ay dumarami po ang interviews namin. ‘Yun po ang pinakaunang pagkakaiba. At isa pa po ay marami na pong casual viewers ang nanonood sa amin. At may mga international fans na rin po kami unlike before na sobrang bibihira lang ang nanonood sa amin kapag nagpe-perform kami,” ani Ken.
Kalalabas lamang ng SB19 ng kanilang bagong awitin na pinamagatang “Mapa” kasunod ng trending single na “What?”