Rabiya Mateo, crush na crush si Kobe Paras

WALANG kagital-gital na inamin ni beauty queen Rabiya Mateo na crush na crush niya ang basketball player na si Kobe Paras.

Chika ni Rabiya, dahil sobrang gusto niya si Kobe, nanunuood siya ng UAAP kahit wala siyang alam tungkol sa basketball.

“Ito nakakatawa talaga ‘to. I know nothing about basketball, pero nanood talaga ako ng UAAP para lang makita siya.”

Kwento niya, lagi niyang hinahanap ang jersey number ng basketbolista.

“Kobe Paras. Kahit ‘di ko maintindihan ‘yung nangyayari, hinanap ko si number 6,” kwento niya.

Matatandaang naging usap-usapan ang paghihiwalay ni Rabiya at kanyang boyfriend na si Neil Salvacion.