Sandro inireklamo 2 GMA consultants sa NBI; Niño nanghihingi ng dasal sa publiko

DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, Agosto 2, ang young actor na si Sandro Muhlach upang pormal na maghain ng reklamo laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz na umano’y nang-abuso sa kanya.

Sa video na inilabas ng ilang news sites, makikita si Sandro, anak ng dating child star na si Niño Muhlach, kasama ang abogado at ang ama na patungo sa tanggapan ng NBI. 

Naghain din ng pormal na reklamo si Sandro sa GMA network laban sa dalawang Kapuso headwriters nitong nakaraang Huwebes at ayon sa inilabas na statement ng istasyon ay kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang kaso.

Naglabas na ng pormal na pahayag si Niño kaugnay sa sinapit ng anak sa dalawang independent contractors ng GMA network.

“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son,” aniya.

“We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system. Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it,” dagdag niya.