FLINEX ni actress-beauty queen Samantha Bernardo ang kanyang bare-faced skin para ipakita sa publiko na normal lang ang mga depekto.
Sa Instagram, inamin ni Samantha na itinatago niya noon ang kanyang mga freckles at pimple marks dahil napapangitan siya rito.
Pero kinalaunan ay natanggap din niya ang mga nasabing kapintasan.
“In a world where LIKES seems like currency and FILTER seems normal, let’s make it a trend to show our real selves as much as possible,” aniya.
“Behind every Instagram worthy photos, THIS IS ME and THIS IS MY REALITY,” dagdag niya.
Si Samantha ang Miss Grand International 2020 first runner-up at Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Third Big Placer.