Ruffa nagluluksa sa pagpanaw ng hipag

SUMAKABILANG-buhay ang hipag nina Richard at Ruffa Gutierrez nitong weekend dahil sa leukemia.

Sa Instagram, kinumpirma ni Ruffa ang pagpanaw ni Alexa Uichico, ang asawa ng kapatid niyang si Elvis.

“I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It’s so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am,” aniya.

“I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again… I’ll write more when able,” dagdag ni Ruffa.

Pumanaw si Alexa noong July 27 matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa sakit.

Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya Gutierrez mula sa publiko at kaibigan sa showbiz.

“I’m in shock. I love Alexa,” ani Rufamae Quinto.

“Oh dear…our deepest condolences sweetie. God bless Elvis and the girls,” sabi ni Sharon Cuneta.