Robin kumbinsidong KathNiel sa simbahan ang tuloy

MALAKI ang tiwala ni Sen. Robin Padilla na  magkakabalikan ang pamangkin niyang si Daniel Padilla at ang ex-girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Sa isang panayam, sinabi ni Robin na magkakaroon ng reconcilation ang dalawa sa oras na magkasama uli sa isang pelikula.

“Magkakabalikan ‘yon. ‘Pag gumawa ng pelikula ‘yon, magkakabalikan ‘yon,” ayon sa senador.

“Sa tagal natin sa industriya, alam naman nating lahat na ang mga ganyang partnership, love team ay dadaan talaga sa prosesong ganyan kasi nagma-mature sila e,” paliwanag ni Robin.

Dagdag niya, gusto ng buong Padilla clan na si Kathryn ang makatuluyan ni DJ.

“Alam naman natin lahat na, alam lahat ng Padilla na malaki ang aming pagbigay-pugay kay Kathryn kasi siya rin naman ang nagbigay ng break kay Daniel. Alam naman namin lahat ‘yon kaya ang paggalang namin kay Kathryn ay sobra-sobra,” sabi niya.