IGINIIT ng aktor na si Richard Gutierrez na walang kinalaman ang rumored girlfriend niyang si Barbie Imperial sa hiwalayan nila ng asawang si Sarah Lahbati.
Sa isang panayam, sinabi ni Richard na hindi homewrecker si Barbie taliwas sa paniniwala ng ilan.
“Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah,” pahayag ng aktor.
“Hindi siya third party, hindi nag-overlap. Kasi maraming mga tao, yun nga, mga bashers na nagsasabi na siya ang dahilan. Wala siyang kinalaman,” dagdag ni Richard.
Klinaro niya na bago pa niya nakilala si Barbie ay matagal na silang hiwalay ni Sarah.
“Siyempre kasi parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming mga nag-hate comment sa kanya. So, siyempre, kailangan ko siyang protektahan. Kailangan ko rin i-clarify yun, di ba?” punto niya.
Hindi naman niya idinetalye ang ugat ng hiwalayan nila ni Sarah.
“Kasi, we are actually going through an annulment now. And both parties naman want to move forward. Actually, at this point, nakapag-move forward na yung both parties. May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami,” sabi niya.
“And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life. And of course, kung happy siya sa buhay niya, at happy ako sa buhay ko, makikita ng mga bata yun. At ang importante sa amin ay yung mga bata,” dugtong niya.
Sambit pa ng aktor, kapwa na sila naka-move on ni Sarah sa dahilan ng paghihiwalay nila.
“2025 na. Gusto kong magsimula yung taon nang maganda, peaceful, at happy. So, yun, let’s leave the past in the past. We’re all trying to move forward,” wika niya.