Ricci Rivero todo tangging may gay boyfriend; relasyon sa beauty queen

TODO-tanggiang basketball player na si Ricci Rivero na mayroon siyang sponsor na bading na dahilan umano ng hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.

Kaugnay nito, ipinagdiinan din ni Ricci na wala silang relasyon ng beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor na si Leren Bautista.

Sa panayam ni Boy Abunda nitong Lunes, diretsahang itinanggi ni Ricci ang chika sa kanila ng konsehala.

“Nanliligaw ka ba kay Councilor Leren Bautista? May relasyon ka ba kay Councilor Leren Bautista?”

“Wala po,” giit ni Ricci.

“Puntahan natin itong mga usap-usapan pero this is not the first time na mayroon kang gay boyfriend, matagal na ito, what will you say to this?” follow-up question ni Boy.

“Tito Boy, sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ+ community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na ‘yan kasi simula po noon noong napasok din po ako sa showbiz industry,” ani Ricci.

“Even sa basketball naman marami po talaga akong nilu-look up in a way na ‘yung personality nila, the way the carry themselves na alam ko po mataas ‘yung respeto namin sa isa’t isa sa kanilang lahat na hindi naman po aabot sa romantic relationship,” dagdag niya.

“And you’re straight?” tanong uli ni Boy.

“Opo,” sambit ng basketball star.