KINASTIGO ni Rica Peralejo ang isang tabloid na pinalabas na sinabi niya na kaya dinudumog ng publiko ang mga campaign rallies ng Tropang Angat Buhay ay dahil sa mga singer at banda na nagpe-perform doon.
Sa Instagram, ipinost ni Rica ang picture ng teaser ng nasabing tabloid na mayroong titulo na, “Party-party, ang saya lang daw…Rica aminadong concert lang ang habol ng mga tao sa rally ni Leni.”
Makikita rin sa teaser ang mukha nina Rica at VP Leni Robredo.
Ipinaliwanag ni Rica na ginawa umano ang “headline para maging controversial pero walang wala sa context.”
Payo niya sa mga nakabasa: “Bago kayo maniwala sa ganyan pakibasa yung original content dahil ibang iba ang sinabi ko.”
“In fact sinabi ko pa na hindi ang talaga concert yung habol kundi si ma’am (Leni),” aniya.
“So be vigilant, people of the Philippines faje news galore ang strategy since the late 1930s to 40s. Murderer to hero levels, ganern,” sey pa ni Rica.
Sa post ni Rica ukol sa PasigLaban, na tinukoy sa nasabing tabloid story, sinabi niya na, “Ang rally ni Mam talaga ay parang isang malaking reunion. Hindi ito magulo, marahas, o mapanira. Mapagmahal lang talaga at radikal.
“Ang saya talaga ng feeling pag andun ka, parang isa kasing malaking party!
“Ang mga rally din ni Mam ay puno ng artists, creatives, students, and many many more. At yes, hindi kami bayad.”
“May nagsasabing concert lang naman talaga ipinupunta ng tao sa rally at kung totoo man yun EH ANO NGAYON?
“Eh kaya nga nangangampanya para makakumbinsi ng di pa desido. Maigi ng makahikayat ng marami pang taong hindi nakakakilala kay Leni-Kiko. Sa huli, if ito ang rason ng pumunta, panalo parin kami!
“Ngunit pag nakita nyo ang mga rally makikita niyo talagang si Mam ang inaabangan ng karamihan. Iba din talaga siya bilang inspirasyon. She inspires action kasi. She makes you want to come out of your comfort zone.”