ISA sa mga bagay na pinandidirihan ni Rhian Ramos ay ang mahabang kuko.
Sa isang game show, tinanong ang aktres kung ano ang pinakaayaw niya sa lalaki: mahabang kuko o mahabang buhok o mahabang leeg.
“Ang totoo diyan, ayaw ko ng mahabang kuko,” ayon sa Kapuso star.
Sey ni Rhian, isa lamang ang purpose ng mahabang kuko: pangulangot.
“Matindi ‘yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang…naiisip ko na ‘yung purpose no’n. Tapos nai-imagine ko na lagi,” paliwanag niya.