Rendon nayamot sa paglilinis ni Diwata sa Manila Bay

MULING nakuha ni Diwata ang inis ng businessman at social media personality na si Rendon Labador nang magsagawa ang food stall vendor ng cleanup drive sa Manila Bay.

Sa Facebook video, makikita si Diwata na iniisa-isa ang mga basura na inanod sa pampang.

Ikinuwento pa niya ang mga dating karanasan sa pangangalakal sa tabing-dagat na malapit sa Pasay City.

Hanash naman ni Rendon: “Diwata umalis ka diyan baka ikaw linisin namin linisin mo muna ang paresan mo bago ka makeelam diyan. Pasensya na, kuhang kuha mo kasi yung inis ko.”

Sa sumunod naman niyang post, tila pinagsisihan ni Rendon ang pagkokomento sa ganap ni Diwata.

“Iwas na ako sa mga issues at tsismis kasi napapasama lang ako kapag sinisita natin,” sabi niya.