Religion ugat ng hiwalayang Bea-Dominic?

KUNG paniniwalaan ang source ng showbiz insider na si Ogie Diaz, naghiwalay ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa relihiyon.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog, sinabi ni Ogie na ayon sa nasagap niya ay kinumbinse umano ni Dominic si Bea na magpa-convert bilang Christian na tinanggihan ng aktres.

“According sa mga naririnig ko, ang gusto raw ni Dominic ay Christian wedding. Kinu-convince ni Dominic itong si Bea na mag-convert as Christian,” aniya.

“According sa mga naririnig ko, si Bea e parang hindi pa siya convinced. So wala pa raw sa kamalayan ni Bea ‘yung mag-convert bilang Christian. Ito naman daw si Dominic e sabi parang baka hindi magkatuluyan or baka maghiwalay sila kung sakali na hindi pumayag si Bea,” dagdag ni Ogie.

“So lumalabas, hindi pa panahon para kay Bea daw na magpalit ng relihiyon kaya na-call off nga ‘yung wedding. ‘Yun nga daw, parang si Dominic ay hindi makapayag. So wini-win back niya ngayon si Bea, na si Bea parang nag-decide na, huwag na ituloy, ayaw na rin niya,” sambit pa niya.

Matatandaan na isiniwalat ni Bea na hindi siya ang nakipag-break kay Dominic.

Sey ng aktres, nagsalita na siya dahil nasasaktan siya sa maling akala ng  publiko na siya ang umatras sa engagement nila ni Dominic.

“Hindi ako ‘yung nakipag-break,” giit ni Bea.