Rabiya, reyna ng Instagram

ITINANGHAL si Rabiya Mateo bilang most followed Miss Universe candidate sa Instagram makaraang makakuha ng mahigit isang milyong followers. |

“Woke up with 1 Million followers! You guys are the best. Sending love to the rest of the universe. Today is a big day. Please pray for us,” post ni Mateo sa Instagram.

Pumalo na sa isang milyon ang followers ni Mateo matapos niyang irampa ang kanyang national costume.

Upang ipagdiwang ang mahalagang ganap sa buhay ni Mateo, ipinost ng stylist na si Miler Andre ang mga larawan ng beauty queen na lingerie lang ang suot.

“She is showing it to the universe how it is done. Congrats on your 1M Instagram following queen!” ani Andre. –A. Mae Rodriguez