IBINUNYAG ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na hindi pa rin siya nakakapag-adjust sa jetlag habang siya ay nasa ibang bansa para sa pageant.
“I think I’ve been here for four days already but I will be honest, I haven’t adjusted to the jet lag. It’s really a struggle up until now,” kwento ng beauty queen.
Chika pa niya, excited siya pero may pressure ding nararamdaman. Pero nangako siya na talagang lalaban siya para sa korona.
“It’s a mix of feelings. I’m excited, of course a tinge of pressure added to it. But overall I’m very happy in this journey. At sa mga kababayan natin, ilalaban natin, pangako ‘yan,” sabi pa ng pambato ng Pilipinas.
Aniya pa, nag-grow siya as a person dahil ang pageant ay hindi lang physical competition.
“Miss Universe is not just a physical competition, you really need to have emotional and mental stability in order for you to win that. So every day I aspire to develop, to grow as a person, as a woman,” dagdag pa nito.
Si Rabiya ang representative ng Pilipinas para sa 69th Miss Universe na gagawin sa Estados Unidos sa Mayo.