Duterte sa ayaw magpabakuna: Mamatay ka na nang 5 beses!

MAY mensahe si Pangulong Duterte sa mga ayaw magpabakuna kontra Covid-19: Pwede na kayong mamatay!

Sa kanyang Talk to the People address, magiging problema ng pamahalaan ang mga taong mahahawahan ng mga hindi naniniwala sa bakuna.

“The problem with being a bravado –If I were to talk to you in the gutter language–sabihin ko sa ‘yo p—ina mo,” ani Duterte. “Mamatay ka na kung gusto mo, limang beses.

Ang problema ang mahawa mo,” dagdag ng Pangulo. Pero inamin niya na malaki ang kakulangan sa supply ng bakuna at hindi niya alam kung saang kukunin ang mga ito.

“The stocks that are coming in are barely enough to inoculate our health workers,” pinunto niya.

“Now, when will we have sufficient vaccines to vaccinate the people? I really do not know, nobody knows,” aniya.

Matatandaang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na darating ngayong buwan ang dalawang milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac at Gamaleya habang sa susunod na buwan naman ang 194,000 mula sa Moderna.