Rabiya Mateo di masama ang loob sa pagkatalo

HINDI masama ang loob ni Rabiya Mateo na hindi niya nasungkit ang korona ng Miss Universe.


“Actually, it’s just one girl who’s going to be crowned, but I know in my heart, every one of us, we are all right even without that crown,” ani Rabiya sa isang panayam.


Dagdag niya, masaya siya at marami siyang naging kaibigan mula sa kanyang kapwa-kandidata.


“It’s not every day that we get to represent our countries, so this is really a great opportunity for all the girls. We are happy to be here,” sabi pa niya.


Nakapasok si Rabiya sa Top 21 ng timpalak na pinagwagian ni Miss Mexico Andrea Meza.