WALANG galang sa namayapa.
Ganito ilarawan ng publiko ang ilang vloggers na ginawang content ang kanilang pagdalaw sa puntod ng aktor na si Rico Yan.
Isa sa pinagbuntunan ng ngitngit ng netizen ang vlogger na ni-rate ang experience sa pagbisita sa sementeryo.
“First time ko pumunta dito. walang tao, ang ganda ng ambiance napi-feel ko ang presence ni rico parang bina-back hug niya ako. Rating: 9/10 babalik ulet bukas,” ayon dito.
Sa isa namang video, mapapanood ang vlogger na taga-Pampanga na nakasandal habang hinihimas ang lapida ng aktor.
Sentimento ng publiko: “Visiting a celebrity’s grave and taking videos while hugging it can be considered unusual by many, so you can’t blame them if they think what you’re doing is weird or creepy. This kind of behavior might be seen as crossing personal boundaries and not respecting the solemnity of the site.”
“E bakit pa kasi kelangan i content. Isa pa ganyan ka ba dumalaw sa puntod ng kamag anak mo?”
“Kabastusan yan ginagawa mo wala kang pahintulot para gawing content ang puntod ni Rico.”
May ilan namang nagsabi na walang masama sa pagdalaw ng mga vloggers kay Rico.
“Napakadami niyong negative na sinasabi grabe, mismong pamilya at magulang nga ni Rico Yan walang sinasabing masama and besides privileged nga daw para sa pamilya nila at natutuwa pa nga sila dahil hanggang ngayon kahit wala na si Rico Yan minamahal parin ng mga taga hanga niya.”
“What’s the big deal?? Kahit naman di pa sikat si rico sa tiktok ay madami nang nagmamahal dyan. There’s nothing wrong with it naman diba? Its there way of expressing their love for rico, and how they thank him. Kung pamilya nga ni corics hindi binibig deal yan eh, tas ikaw kamag anak kaba?”
“Pake nyo ba kung gusto nila dalawin ang kanilang mga idolo nay na lagay ba na only family/relatives can visit diba wala.”