NAPAPAILING na lang ang mga netizens sa qualifications ng hinahanap na personal assistant ng aktres na si Claudine Barretto.
Kahapon, November 20, ay inanunsyo ni Claudine sa Instagram na naghahanap siya ng personal assistant “na masipag at marespeto.’
Pero bukod dito ay may iba pang hinahanap na katangian ang aktres.
Sey ni Claudine, kailangang may karanasan ito sa accounting, kayang asikasuhin ang schedule niya at ng kanyang tatlong anak at kayang magpatakbo ng kanilang household.
“Palanggas pls help me find pwedeng stay in na secretary, personal assistant. Better if…may experience din sa accounting. yung every Friday i rereport how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit yung money, take care of the schedule ko at mga bata,” aniya.
“Also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganun po talaga sa shootings/tapings. Yung masipag, alerto, multitasker gaya ko po. At important very neat & organized,” dugtong niyam
Umapela pa ng dasal ang aktres sa mga fans na makahanap siya ng tamang tao.
Sa mga interesado sa posisyon: “Pls snd you’re bio data/resume, NBI clearance. Kindly send all requirements to [email protected]. hope to hear from all of u the soonest.”
Bumuhos naman ang sari-saring komento mula sa mga netizens.
“Sa caption at requirements palang pagod na ako…mahal ko ang buhay ko para magpakapuyat at maghabol sa pera.”
“Robot ata hinahanap nito.”
“Magkanu po sweldo? Kapag hindi 6 digits eh wag na.”
“Mahirap yan. Hndi pang isang tao ung kailngan nya.”
“Bale hindi lang po secretary at nanny need nya, and eto mga need nya na kelangan nasa iisang tao lang. Personal Assistant who will manage her schedule, and pwede sa puyatan sa taping, accountant to audit every friday sa business or other churvaness, operations manager who will handle the business, nanny niya at ng mga anak niya, at secretary who will manage her docs/papers.”
“Bahala ka sa buhay mo, ano ka royal blood?”